Hulaan: Ano ang sunod naming ilalabas na big book?

Sa Araw ng Pagbasa sa ika-27 ng Nobyembre, babasahin ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga bata ang pinakabagong sahog sa aming big book collection.

I-share ang Facebook post namin tungkol dito (hanapin sa aming Facebook page), at subuking hulaan kung ano ang pamagat ng bagong big book. (Mayroon na kaming storybook nito, palalakihin lang namin.) Magbibigay kami ng libreng kopya ng bagong big book sa unang makakahula, at magra-raffle naman kami ng 5 big book (kasama ang pinapahulaan) sa lahat ng magse-share para sa isang masuwerteng mananalo! *

Hula-hula na hanggang November 5 (Monday)! Mag-private message sa amin, o mag-post ng comment para manghula.

* Kailangang yung Facebook post (at hindi lang basta ang link nito) ang i-share, para ma-track lahat ng kasali sa papremyo. At hindi maaaring sumali ang empleyado, authors, at illustrators ng Adarna House hanggang third degree of consanguinity.

Advertisements

Comments Off on Hulaan: Ano ang sunod naming ilalabas na big book?

Filed under Adarna House, Contests & Promos

Comments are closed.