Introducing: Jumper Cable Chronicles

Ilang linggo matapos ang pasukan, simple lang naman ang gustong gawin ni Dino Soriano habang bakasyon—ang libreng makapanood ng live streaming ng laban ni Pacquiao. Kaya niya kinalikot ang mga kable ng laptop niya.

Sino ba naman ang mag-aakalang hindi si Pacquiao ang mapapalabas niya sa laptop? Nagpakilala sa kaniya ang lumitaw na bata bilang Dimension Engineer Haya Project mula sa Dimension 049. Hinahanap niya ang tumakas na kaibigang si Medical Engineer Anita Project dito sa mundo, na tinatawag ni Haya na Dimension 196.

Handa ba si Dino Soriano na maging Agent 001 ng Dimension 196?

Inihahandog ng Adarna House ang isang bagong seryeng pang-young adult: ang Jumper Cable Chronicles ni EK Gonzales, sa salin ni Xi Zuq. Iikot ito sa mga misyong kahaharapin ng isang 16-taong gulang na mapapasabak bilang dimension agent.

Lalabas sa Manila International Book Fair ang unang libro ng serye, ang Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita, at darating ang awtor at manunulat para pumirma ng mga libro sa aming booth sa sunod na Sabado, 3:00 NH.

Samahan ninyo kaming makilala ang ating mga bagong bida sa isang patikim—narito ang unang kabanata ng libro.

 

Advertisements

Comments Off on Introducing: Jumper Cable Chronicles

Filed under Adarna House, Book events, New releases

Comments are closed.