WiKAHON

Kasalukuyan pa po naming binubuo ang website para sa WiKAHON.

Ang WiKAHON ay isang katipunan ng mga seleksiyon sa Filipino. Ito ay nilikha upang matugunan ang pangangailangang mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika. Layunin nitong paunlarin ang pagbasa, gramatika, at pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga tekstong nakasulat sa wikang Filipino.

May walong kategorya ang WiKAHON at bawat kategorya ay may 10 seleksiyon. Isinaayos ang mga seleksiyon batay sa pagtaya ng University of the Philippines-Adarna House Filipino Text Readability Indexing System (UP-AH FiTRI), at sa akmang edad para sa ginamit na mga konsepto. Sinusukat ng UP-AH FiTRI ang readability ng babasahin sa pamamagitan ng isang software na bumibilang sa mga salita, pantig ng bawat salita, at mga pangungusap.

Ang WiKAHON ay mayroong

  • 80 seleksiyon: maiikling kuwento o sanaysay, may kalakip na dalawang pagsasanay para sa talasitaan at pang-unawa
  • Sanggunian ng mga tamang sagot: batayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng kanilang pagsasanay
  • Gabay sa Guro: sangguniang tumatalakay sa paggamit, mula pagpapakilala sa klase hanggang ebalwasyon

Makipag-ugnayan sa (+632) 352-6765 local 113 o sa wikahon [at] adarna.com.ph.

2 responses to “WiKAHON

  1. Precy M. Balgomera

    meron po ba itong teachers guide para malaman kung ano grade or topic ang nararapat basahin?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s