Patimpalak sa Nobelang Pambata

  1. Bukas ang patimpalak para sa lahat ng mamamayang Filipino, edad 18 pataas, puwera sa mga kamag-anak ng mga empleyado ng Adarna House, hanggang sa ikatlong antas ng relasyon.
  2. Kailangang nakasulat sa Filipino ang mga akdang ipapasa, at sumusunod sa anyo ng nobelang mayroong 15 o higit pang kabanata.
  3. Kailangang nakatuon sa mga mambabasang 10 hanggang 12 taong gulang, o 13 hanggang 16 taong gulang, ang mga akdang ipapasa.
  4. Walang kailangang sunding uri ng naratibo, subalit kailangang masalamin sa akda ang kultura ng Filipino — sa nakaraan man, kasalukuyang panahon, o sa likhang-isip na hinaharap.
  5. Hindi tatanggapin ang pag-aangkop ng gawa ng iba, kabuuan man o bahagi lamang.
  6. Naka-print dapat sa short bond paper ang mga akdang ipapasa. (Maaaring gamitin ang blangkong mukha ng mga gamít nang papel, basta’t malinis at madali pa ring mababasa ang ipapasang akda.) Hindi papansinin at hindi tatanggapin ang mga akdang ipapasa gamit ang e-mail.
  7. Maaring magpasa ng mahigit sa isang akda ang mga lalahok.
  8. Bigkisin ang ipapasang akda gamit ang isang bull clip. Kailangang nilalaman ng bawat ipapasa ang sumusunod:
  • Impormasyon ukol sa kalahok sa unang pahina
    Lalamnin ng pahinang ito ang buong pangalan ng kalahok, kasama ang kanyang tirahan, telepono, numerong mobile, at maikling paglalarawan ng karanasang pampanitikan.
  • Buod at daloy ng akda sa pangalawang pahina
    Ilagay dito ang pamagat ng nobela, buod sa 100 salita, at daloy ayon sa bawat kabanata. Sa daloy, ilahad lamang ang mga mahahalagang pangyayari sa nobela gamit ang bullet points nang hindi lumalampas sa 20 salita ang bawat bullet, at hindi humihigit sa 5 bullet sa bawat kabanata.
  • Ang buong akda
    Kailangang 200 pahina o higit pa ang bawat akdang ipapasa, naka-print sa 8.5 x 11 na papel, gumagamit ng 12pt font (Arial, Calibri, o Cambria), at double spaced. Sa bawat pahina, maglagay ng footer na maglalaman ng pamagat ng akda, pangalan ng kalahok, at page number katabi ng bilang ng lahat ng pahina. Kailangang walang mga pahinang pampamagat, o mga de-pahinang hati, para sa bawat kabanata.
  • Katibayan ng pagmamay-ari at orihinalidad
    Ito ay isang notaryadong katibayan mula sa kalahok na nagpapatunay sa orihinalidad ng ipapasang akda at sa kalayaan ng Adarna House sa anumang kasong magmumula sa paglabag ng karapatang-ari sakaling mailimbag ang akda. Patutunayan rin nito na (1) hindi kailanman nailimbag ang buong akda o ang kahit anong bahagi nito, at (2) hindi rin ito nabigyan ng kahit anong karangalan — na hindi ito nanalo ng una, pangalawa, o ikatlong gantimpala o karangalang banggit sa kahit anong timpalak; o nagantimpalaan ng medalya, pagkilala, o pagsama sa isang naipahayag na listahan ng mga natatanging kalahok sa isang timpalak pampanitikan.

Ipasa ang mga akda sa Komite ng Patimpalak, Adarna House, 109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City 1103. Kailangang natanggap na ng Komite ang lahat ng mga ipapasang akda sa o bago ang pagpatak ng 5:00 N.H sa ika-16 ng Disyembre, 2011.

Magagantimpalaan ang mananalo ng sampung libong piso (Php 10,000.00) at ng pagkakataong mailimbag.

Inirereserba ng Adarna House ang karapatang pumili ng mahigit sa isang panalo sakaling maging hitik sa magagandang akda ang patimpalak. Gayunrin, inirereserba ng Adarna House ang karapatang hindi pumili ng panalo kung sa palagay nito ay walang naipasang magandang akda.

Inirereserba rin ng Adarna House ang karapatang hindi ipahayag sa publiko ang detalye ng nanalo sa patimpalak bago mailimbag ang akda.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa (+632) 352-6765 local 119 o sa ergoe [at] adarna [dot] com [dot] ph.

* For an English version of these rules, click here. *

One response to “Patimpalak sa Nobelang Pambata

  1. Pingback: Adarna House Chapter Book Contest | The Adarna House Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s