Category Archives: WiKAHON

Ang WiKAHON ay isang katipunan ng mga seleksiyon sa Filipino. Ito ay nilikha upang matugunan ang pangangailangang mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika. Layunin nitong paunlarin ang pagbasa, gramatika, at pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga tekstong nakasulat sa wikang Filipino.

Ipinakikilala: WiKAHON Pre-A

Pre-A-1 Tatlong taon pagkaraan ng paglulunsad ng kauna-unahang WiKAHON, maligaya naming ipinakikilala ang pangatlong kahon sa serye ng mga Pahagdang Pagtuturo sa Filipino: ang WiKAHON Pre-A.

Tulad ng mga naunang WiKAHON, nakasaayos pa rin mula pinakamadali hanggang pinakamahirap ang mga babasahin at pagsasanay sa Pre-A. Pero dahil ginawa ito para sa mga nagsisimula pa lamang magbasa sa Filipino, higit na maikli at simple ang mga salita, pangungusap, at babasahin sa Pre-A.

Para din umakma sa antas ng kakayahan ng mga gagamit nito, may mga larawan din ang mga pagsasanay para higit na makatulong sa pagpapatibay ng talasalitaan. Nakabatay ang lahat ng WiKAHON sa UP-AH FiTRI (University of the Philippines-Adarna House Filipino Text Readability Index), ang pinakaunang sistema ng pagsukat sa dali o hirap ng mga bababasahing nakasulat sa Filipino.

Para magtanong tungkol sa WiKAHON Pre-A o sa iba pang WiKAHON, makipag-ugnayan lamang sa (02) 352-6765 o sa wikahon@adarna.com.ph.

1 Comment

Filed under Adarna House, WiKAHON

Bumisita sa WiKAHON.com!

Ikinalulugod po namin kayong anyayahan sa WiKAHON.com, ang aming website na nilikha para lamang sa WiKAHON.

Alamin kung ano ang WiKAHON, ang mga nilalaman nito, ang ginamit naming sistema ng pagsukat sa mga teksto, at ang paraan ng paggamit sa kahon.

Maaari ring gamitin ang website upang magpatakda ng demonstrasyon o presentasyon ukol sa WiKAHON sa inyong paaralan. Para naman sa mayroon nang WiKAHON, maaaring humingi ng tulong sa amin at sumangguni tungkol sa paggamit ng WiKAHON.

 

Comments Off on Bumisita sa WiKAHON.com!

Filed under Adarna House, WiKAHON

WiKAHON: Pahagdang Pagtuturo sa Filipino

Buong kasiyahan po naming ipinapakilala ang bago naming produkto, ang WiKAHON, ang kauna-unahang pahagdang kasangkapan sa pagtuturo sa Filipino.

Ang WiKAHON ay isang katipunan ng mga seleksiyon sa Filipino. Ito ay nilikha upang matugunan ang pangangailangang mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika. Layunin nitong paunlarin ang pagbasa, gramatika, at pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga tekstong nakasulat sa wikang Filipino.

May walong kategorya ang WiKAHON at bawat kategorya ay may 10 seleksiyon. Isinaayos ang mga seleksiyon batay sa pagtaya ng University of the Philippines-Adarna House Filipino Text Readability Indexing System (UP-AH FiTRI), at sa akmang edad para sa ginamit na mga konsepto. Sinusukat ng UP-AH FiTRI ang readability ng babasahin sa pamamagitan ng isang software na bumibilang sa mga salita, pantig ng bawat salita, at mga pangungusap.

Ang WiKAHON ay mayroong

  • 80 seleksiyon: maiikling kuwento o sanaysay, may kalakip na dalawang pagsasanay para sa talasitaan at pang-unawa
  • Sanggunian ng mga tamang sagot: batayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng kanilang pagsasanay
  • Gabay sa Guro: sangguniang tumatalakay sa paggamit, mula pagpapakilala sa klase hanggang ebalwasyon

Ilulunsad sa Marso ang wikahon.com, isang website na nakatuon lamang sa WiKAHON at sa paggamit nito. Makipag-ugnayan sa (+632) 352-6765 local 113 o sa wikahon [at] adarna.com.ph.

4 Comments

Filed under Adarna House, Literature & Literacy, WiKAHON