Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ika-120 taon ng ating kalayaan.
Bilang paggunita, narito ang mapagpalayang seryeng laman ang buhay at katapangan ng ating mga bayaning sina Gregoria de Jesus, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.
Nilikha ang Seryeng Bayani upang makilala ng mga batang mambabasa ang mga bayani ng katapangan, pakikibaka, at pagpapalaya sa ating bayan.
Layunin ng mga kuwento at mga larawan sa seryeng ito na higit na mapahalagahan ng henerasyon ngayon ang mapagpalayang ambag ng mga bayaning Filipino sa ating kasaysayan.
Kilalanin ang ating mga bagong munting kaibigang bayani na nagpalaya sa ating Inang Bayan at ating ipagpatuloy ang laban.
Ang Seryeng Bayani ay rekomendado sa mga batang edad 9 pataas.