Lunsad-aklat: “Ang Maliit na Kalabaw” at “Kung may Dinosaur sa Kamalig ni Lolo”

Lunsad-aklat (April) poster_Revised

Tamang-tama ngayong bakasyon! Inaanyayahan ng Adarna House ang lahat, mga magulang at mga bata, sa paglulunsad ng dalawang libro: Ang Maliit na Kalabaw at Kung may Dinosaur sa Kamalig ni Lolo!

Samahan sina Liza Flores, ilustrador ng Ang Maliit na Kalabaw, Kora Dandan-Albano at Iori Espiritu, awtor at ilustrador ng Kung may Dinosaur sa Kamalig ni Lolo sa darating na 28 Abril 2018, 2:00 NH sa 4/F Hallway Gallery, Cultural Center of the Philippines.

Magalang, magiliw, at mabait Ang Maliit na Kalabaw, kilalanin natin siya! Kaibiganin rin at sabayang lumaki ang Dinosaur sa Kung may Dinosaur sa Kamalig ni Lolo!

Libre at bukás sa publiko ang paglulunsad. Maaaring magwagi ng kopya ng mga ilulunsad na libro ang magpapatala at makadarating sa paglulunsad! Makipag-ugnay at magparating ng pagdalo sa amin:

Lance Ferrer
lance[at]adarna.com.ph
+632 3526765 local 118

Gaganapin rin nang 10:00 NU sa parehong araw ng paglulunsad ang workshop ni Liza Flores na Illustration Workshop Using Paper Cutouts na parte ng Peek-a-Book.

Kabilang sina Liza Flores, Iori Espiritu, at Kora Dandan-Albano sa “Peek-a-Book,” isang art exhibit ng mga babaeng ilustrador para sa mga librong pambata. Bukás ang nasabing eksibit sa CCP hanggang Mayo 6, 2018. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa eksibit, makipag-ugnayan sa CCP Visual Arts and Museum Division sa (632) 832-1125 loc. 1504/1505 at (632) 832-3702, sa mobile (0917) 6033809, o sa email ccp.exhibits[at]gmail.com.

Comments Off on Lunsad-aklat: “Ang Maliit na Kalabaw” at “Kung may Dinosaur sa Kamalig ni Lolo”

Filed under Adarna House, Book events, New releases

Comments are closed.