ABRIL 16: libreng seminar para sa day care workers

Inaanyayahan namin ang mga day care at early childhood development worker na dumalo sa Klasrum Adarna, isang programa para sa patuloy na edukasyon ng mga guro, magulang, o sinumang may mahalagang papel sa pagkatuto ng bata.

Nakatuon sa Pagtuturo Gamit ang Kuwento at Laro, tatalakayin sa Klasrum na ito ang mga paghahanda at kasanayang kailangang gawin sa storytelling, at kung paano maitatawid ang mga kuwento tungo sa mga gawaing makatutulong sa pagtuturo ng mga paksa sa klasrum. Isang libreng seminar (kasama ang tanghalian at sertipiko), gaganapin ito nang 16 Abril 2018 (Lunes) mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH sa Baguio City.

Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang (2) kinatawan lamang ang maaaring ipadala ng bawat institusyon. Narito ang mga detalye upang makalahok:

  1. Isulat ang mga sumusunod na impormasyon:
    • pangalan ng kinabibilangang social welfare development office (SWDO)
    • buong pangalan ng [mga] ipadadalang kalahok
    • personal na mobile number at e-mail address ng BAWAT kalahok
  2. Ipadala ang kumpletong impormasyon sa klasrum@adarna.com.ph o sa +63 927 382 4716.
  3. Hintayin at itago ang kumpirmasyong ipadadala sa mobile number at/o email address ng kalahok. Kasama sa kumpirmasyong ito ang pangalan at adres ng mangyayaring seminar.
  4. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala o nakapagbigay ng kumpletong impormasyon.
  5. Ang huling araw ng pagpapatala ay 10 Abril 2018 (Martes).

Kung mayroong katanungan, mangyari lamang na makipag-alam sa mga nabanggit na ugnayan o sa +63 2 352 6765 local 119.

 

MGA TAGAPAGSALITA

Batikang storyteller si Dyali Justo at isa ring tagapagsanay sa nasabing larangan. Isang freelance workshop facilitator, guro siya sa isang pampublikong paaralan at may mahigit nang 20 taon sa pagtuturo. Matagal na siyang nagkukuwento para sa Inquirer Read Along Program at Adarna House.

Si Myra Sepe ay isang humanitarian and development aid worker na nagsanay ng kaniyang propesyon bilang guro sa elementarya sa loob ng 9 na taon. Kasalukuyan siyang freelance book-based storyteller at workshop facilitator para sa Adarna House at para sa iba pang NGO na may programa para sa kabataan.

Comments Off on ABRIL 16: libreng seminar para sa day care workers

Filed under Adarna House, Workshops

Comments are closed.