[PAUNAWA: Sarado na ang pagpapatalâ para sa seminar na ito. Nang ganap na 3:00 NH ng Agosto 23, 2017, punô na ang 100 puwestong pangkalahok.]
Dahil sa magandang pagtanggap sa mga nakaraang Klasrum Adarna, muli kaming magdadaos ng seminar tungkol sa Pagtuturo ng Klasikong Panitikan. Tatalakaying muli ni Dr. Edgar Calabia Samar ang mga akdang Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli
Me Tangere, at El Filibusterismo.
Gaganapin sa Setyembre 1 (Biyernes), 8:00 NU–5:00 NH sa Ortigas Center, Lungsod Pasig, libre ang seminar (kasama ang pagkain at sertipiko) at mayroong 100 puwestong pangkalahok para sa mga guro ng Filipino sa matataas na paaralan. Pupunan namin ang mga puwestong ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatalâ.
Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok:
- Isulat ang mga sumusunod na impormasyon:
• pangalan ng paaralan
• buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala
• personal na mobile number at e-mail address ng bawat kalahok - Ipadala ang kumpletong impormasyon sa klasrum@adarna.com.ph / +63 915 527 1105
- Itago ang kumpirmasyong ipapadala sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Lalamanin ng kumpirmasyon ang detalye ng lunan ng seminar.
- Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagbigay ng kumpletong impormasyon.
- Ang huling araw ng pagpapatala ay 29 Agosto 2017.
Kung mayroong katanungan, mangyaring makipag-alam sa e-mail, mobile number, o sa (+632) 352 6765 local 120.