Peb.11, Pampanga: 2 libreng seminar para sa mga guro

klasrum-pampanga

Malugod na iniimbitahan ng Adarna House ang mga guro sa elementarya at sekundarya para sa Klasrum Adarna: Using Children’s Literature in the Classroom at Pagtuturo ng Klasikong Panitikan. Dalawang libreng seminar (kasama ang tanghalian at sertipiko), gaganapin ang mga ito nang sabay sa 11 Pebrero 2017 (Sabado) mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH sa Angeles City, Pampanga.

Ang unang paksa, para sa mga guro ng English o Filipino sa elementarya, ay tatalakayin ni Pamela Razon ng UP Integrated School at dating pinuno ng K-2 Department nito. Para naman sa mga guro ng Filipino sa sekundarya ang pangalawang paksa, tatalakayin ni Dr. Edgar Calabia Samar, propesor ng panitikan sa Ateneo de Manila University.

Mayroong 60 puwestong pangkalahok para sa bawat paksa at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang apat na guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan (maximum ng 2 guro sa bawat paksa). Narito ang mga detalye upang makalahok:

  1. Isulat ang buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang antas ng tinuturuan, mobile number, at e-mail address ng bawat isa, at ang pangalan ng inyong paaralan.
  2. Ipadala ito sa email: klasrum[at]adarna.com.ph o text: +63 915 527 1105.
  3. Hintayin ang kumpirmasyong ipadadala sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Kasama sa kumpirmasyon ang tiyak na lunan ng seminar.
  4. Kailangan ang kumpletong impormasyon para makapagpatala. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala. Ang huling araw ng pagpapatala ay  6 Pebrero 2017 (Lunes).

Kung mayroong katanungan, mangyari na lamang na makipag-alam sa mga nabanggit na email o mobile number, o sa (+632) 3526765 local 119.


Pangalatlo ito sa mga Klasrum Adarna ng taong 2017. Umantabay dito para sa mga panawagan tungkol sa mga susunod pang seminar.

2 Comments

Filed under Adarna House, Workshops

2 responses to “Peb.11, Pampanga: 2 libreng seminar para sa mga guro

  1. Jennifer

    Hello po, dito po sa Quezon province meron din kaya?