Libreng seminar para sa mga guro ng Filipino (12 Agosto)

klasrum-reg3

Malugod na iniimbitahan ng Adarna House at Holy Angel University ang mga guro ng Filipino para sa Klasrum Adarna: Paggamit ng WiKAHON ngayong ika-12 ng Agosto, 2016 (Biyernes) mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH. Ang seminar ay gaganapin sa Holy Angel University, Sto. Rosario St, Angeles City, Pampanga.

Nakatuon ang seminar sa mas malalim na pagtalakay ng mga sumusunod na paksa:

  1. Mga Salik na Kailangan sa Mahusay na Pagbabasa
  2. Iba’t Ibang Uri at Struktura ng Teksto
  3. Detalyado at Rekomendadong Paggamit sa Wikahon
    – Pagdidisenyo ng Programa sa Filipino
    – Pagtataya sa Antas ng Kakayahan sa Pagbabasa
    – Paghasa sa Bilis at Husay sa Pagbabasa
    – Paghasa sa Pag-uugnay ng mga Konsepto
    – Pagtuturo ng Balarila at mga Kasanayan sa Pagbabasa

Si Daisy Calado ang magiging tagapagsalita sa araw na ito. Nagtapos ng MA in Reading Education sa University of the Philippines Diliman, siya ay isang espesyalista sa pagbasa at kasalukuyang direktor ng ReadPlus.

Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok:

  1. Isulat ang buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang mobile number at e-mail address ng bawat isa, at ang pangalan ng inyong paaralan.
  2. Ipadala ito sa email: miko[at]adarna.com.ph, text: (+63927) 382-4716, o fax: (+632) 352-6765 local 125.
  3. Hintayin ang kumpirmasyong ipadadala sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Kasama sa kumpirmasyon ang tiyak na lunan ng seminar.
  4. Kailangan ang kumpletong impormasyon para makumpleto ang pagpapatala. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala. Ang huling araw ng pagpapatala ay  5 Agosto 2016 (Biyernes).

Kung mayroong katanungan, mangyari na lamang na makipag-alam sa mga nabanggit na email o mobile number, o sa (+632) 3526765 local 119.

Comments Off on Libreng seminar para sa mga guro ng Filipino (12 Agosto)

Filed under Adarna House, Workshops

Comments are closed.