Malugod na iniimbitahan ng Adarna House ang mga guro sa Filipino para sa Klasrum Adarna: Paggamit ng WiKAHON ngayong ika-5 ng Marso, 2016 mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH. Ang seminar ay gaganapin sa Union Christian College, San Fernando, La Union.
Nakatuon ang seminar sa mas malalim na pagtalakay ng mga sumusunod na paksa:
- Mga Salik na Kailangan sa Mahusay na Pagbabasa
- Iba’t Ibang Uri at Struktura ng Teksto
- Detalyado at Rekomendadong Paggamit sa Wikahon
– Pagdidisenyo ng Programa sa Filipino
– Pagtataya sa Antas ng Kakayahan sa Pagbabasa
– Paghasa sa Bilis at Husay sa Pagbabasa
– Paghasa sa Pag-uugnay ng mga Konsepto
– Pagtuturo ng Balarila at mga Kasanayan sa Pagbabasa
Ang seminar ay libre kasama ang pagkain at sertipiko. Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok:
- Isulat ang buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang mobile number at e-mail address ng bawat isa, pati ang pangalan ng paaralan.
- Ipadala ito sa akin sa rosal[at]adarna.com.ph o sa 0916-9220651.