[Punô na] Libreng seminar: Pagtuturo ng Klasikong Panitikan

Klasrum-Nuvali_Web-Poster

Inaanyayahan ang mga guro ng asignaturang Filipino sa matataas na paaralan na dumalo sa Klasrum Adarna para sa mga Guro: Pagtuturo ng Klasikong Panitikan na isasagawa sa pakikipagkatuwang ng Xavier School Nuvali. Tatalakayin nina Virgilio S. Almario at Dr. Edgar Calabia Samar ang Noli at Fili, habang si Dr. Michael M. Coroza naman ang magtatalakay sa Florante at Laura.

Isang libreng seminar (kasama ang pagkain at sertipiko), gaganapin ito sa 26 Pebrero 2016 (Biyernes) sa Xavier School Nuvali, Calamba, Laguna.

Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok nang libre:

  1. Isulat ang buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang mobile number at e-mail address ng bawat isa, at ang pangalan ng inyong paaralan.
  2. Ipadala ito sa email: adarnahouse[at]adarna.com.ph, text: (+63927) 382-4716, o fax: (+632) 352-6765 local 125.
  3. Itago ang kumpirmasyong ipadadala sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Kasama ng kumpirmasyon ang mga detalye ng eksaktong lunan ng Klasrum at ng shuttle service papasok ng Xavier School Nuvali mula sa isang takdang tagpuan malapit doon.
  4. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala. Ang huling araw ng pagpapatala ay 22 Pebrero 2016 (Lunes).

Kung mayroong katanungan, mangyari na lamang na makipag-alam sa mga nabanggit na email o mobile number, o sa (+632) 3526765 local 119.

2 Comments

Filed under Adarna House, Workshops

2 responses to “[Punô na] Libreng seminar: Pagtuturo ng Klasikong Panitikan

  1. Marilou Francisco

    tanong lang po –/ ako po ay nakatira sa netherlands at may malaking interest sa pagtataguyod sa panitikang pilipino.

    malalagay po ba sa youtube ang inyong seminar upang mapanood po? o meron po kayang lalabas na summary ng talakayan sa inyong website?

    Sent from my iPhone

    >