Gamit ang nakapupukaw na mga kuwento, mahihikayat ang mga bata na makinig at magbasa habang natututo ng iba’t ibang mga salita at konsepto. Mapauunlad din ang kanilang kasanayang pasalita at bokabularyo habang kinukumpleto ang mga mapang-engganyong gawain mula sa kuwento.
Nakatuon ang mga sumusunod na kasanayan ayon sa akmang pangkat ng mga bata:
Ang programang ito ay nahahati sa apat na pangkat ayon sa mga baitang ng mga bata sa susunod na pasukan. Ang lahat ng pangkat ay tatalakay sa kuwentong akma sa kanilang baitang. May mga kasiya-siyang gawaing inihanda upang madaling maintindihan ang mga ito. Bukod dito, may natukoy na mga kasanayan na siyang tahasang ituturo sa bawat pangkat.
Gaganapin ito Abril 11 hanggang Mayo 6, tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes.
- Baitang 1 & 2 (8:30-10:00 NU): Paghahasa sa pagbabasa at pagbabaybay ng mga salita
Bibigyan ng pagkakataon ang mga batang hasain ang mga kasanayan sa pagbabasa at pagbabaybay ng mga salita. Tuturuan sila ng mga estratehiyang makatutulong upang maging tama ang kanilang pagbasa at pagbaybay ng mga salitang Filipino. Matututuhan din nila ang mga kahulugan nito.
- Baitang 3 & 4 (8:30-10:00 NU): Pagkilala at pagsasanay gamit ang mga elemento ng kuwentoMakikilala ng mga mag-aaral sa pangkat na ito ang iba’t ibang uri ng kuwento. Magsasanay sila sa paggamit ng mga elemento ng kuwento bukod sa karaniwang pagtalakay nito. Magkakaroon sila ng pagkakataong magsulat ng sarili nilang kuwento sa dulo ng programang ito.
- Baitang 5 & 6 (10:30 NU-12:00 NT): Pagpapalalim ng pag-unawa sa kuwentong binasa o pinakingganPag-aaralan ng pangkat na ito ang pagpapalalim ng pag-unawa sa kuwentong binasa o pinakinggan. Tuturuan silang gumamit ng iba’t ibang graphic organizer upang makatulong sa kanilang pag-unawa sa kuwento.
- Baitang 7 & 8 (10:30 NU-12:00 NT): Pagsusulat at paglikha ng sariling kuwento (narrative and expository)Lilinangin sa pangkat na ito ang kasanayan at pagkamalikhain sa pagsulat. Magkakaroon ang mga mag-aaral ng malalim na pag-unawa sa mga anyo ng teksto. Tatalakayin din ang mga pangunahing paraan sa pagsusulat ng iba’t ibang uri ng teksto. Sa dulo ng programang ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay makagagawa ng sariling kuwento at sanaysay.
Ang mga workshop facilitator ay magmumula sa Readability Center at The Raya School. Ang workshop ay gaganapin sa The Raya School, 109 Scout Fernandez kanto ng Scout Torillo, Lungsod Quezon. Ang workshop fee ng bawat kalahok ay pitong libong piso (PHP7,000.00).
Para sa mga karagdagang katanungan, tumawag lamang sa 922-9254 o mag-e-mail sa workshops[at]raya.edu.ph.