Bagong libro: Handa Ako!

handa-ako

Ano ang dapat gawin kapag may bagyo, lindol, sumabog na bulkan, o sunog? Ang aklat na ito ang maghahanda sa iyo sa anumang sakuna!

Isinulat ni Liwliwa Malabed at iginuhit naman ni Mia Lagos, laman ng Handa Ako! ang sari-saring impormasyon, mahahalagang numero, at gabay na makakatulong sakaling may mangyaring emergency. Ang munting librong ito ay nilikha para sa mga bata upang mabigyan sila ng kakayahan at kaalamang maghahanda sa kanila sa mga di-inaasahang pangyayari.

Mabibili na mula sa aming showroom at online store, nagkakahalagang PHP120 ang librong ito. Ngunit dahil sa Christmas sale sa showroom at sa online store, mabibili sa mas mababang halaga ang libro hanggang Disyembre 19.

Advertisements

Comments Off on Bagong libro: Handa Ako!

Filed under Adarna House, Book events, New releases

Comments are closed.