Mga bagong libro: Ang Subersibo at Janus Silang manga

janus-subersibo

Narito na ang dalawang pinakabagong libro mula sa Anino Comics!

Parehong hango sa mga nobela ang dalawang bagong komiks. Itatanghal ng Ang Subersibo (nina Adam David at Mervin Malonzo) ang pagbabago ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin, ng mga nobela ni Jose Rizal, mula sa pagiging ilustrado tungo sa pagiging arsonista at filibustero. Habang hango naman sa nobela ni Edgar Calabia Samar na may katulad na pamagat ang manga na Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon.

Pareho nang mabibili ang mga librong ito (PHP250 bawat isa) sa aming showroom, sa aming online store, sa kauna-unahang PUP Literary Festival (Nob.11-13), at sa parating na Komikon (Nob.14-15 sa Bayanihan Center).

 

Advertisements

Comments Off on Mga bagong libro: Ang Subersibo at Janus Silang manga

Filed under Adarna House, New releases

Comments are closed.