UPIS K-2 Library: nagwagi sa #AklatPamana

contestwinner

Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa #AklatPamana, isang patimpalak para mahanap ang pinakaluma at naingatang librong Adarna. Lubos kaming napaligaya sa iba’t ibang lahok na nagmula sa iba’t ibang mambabasa, guro, magulang, at paaralan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa!

Sama-sama nating batiin ang nagwagi: ang aklatan ng K-2 Department ng UP Integrated School! Sadyang wala nang mas luma pa sa inilahok ng UPIS K-2 Library. Ang kopya nila ng ‘Hiyas ng Birhen’ ay nailimbag noon pang 1978 at NCP Publishing Corporation pa ang naglalathala ng mga Aklat Adarna.

Sa pagwawaging ito, makatatanggap ang kanilang aklatan ng LIMANG LIBONG PISO (PHP5,000) at isang daang (100) storybooks bilang premyo. Ibibigay ang premyo sa isang pagdiriwang na gaganapin sa 19 Setyembre 2015 (Sabado) sa Manila International Book Fair (SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City).


 

Sa mga hindi pinalad, may isa pa kaming patimpalak na tumatakbo ngayong Agosto! Sali na sa #happy35, isang photo challenge!

Comments Off on UPIS K-2 Library: nagwagi sa #AklatPamana

Filed under Adarna House, Contests & Promos

Comments are closed.