Kaarawan ni Kuya ngayon!
Ang daming bisita, ang sasarap ng handa,
at mayroon pang eksibit ng mga guhit niya.
Sayang at hindi siya makakasáma.
Miss na miss na namin siya.
Ipinakikilala ng Adarna House ang Salusalo para kay Kuya, ang pinakabagong dagdag sa linya nito ng mga kuwentong pabata.
Isinulat ni Ergoe Tinio, ang kuwentong ito ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa 2013 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa Maikling Kuwentong Pambata. Likha naman ni JC Galag, na nagtapos sa College of Fine Arts sa University of the Philippines at kasapi ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang InK), ang mga guhit sa libro.
Mabibili na ang aklat na ito mula sa showroom ng Adarna House, sa aming mga book fair, at sa aming online store sa halagang PHP79.00. Darating na rin ang libro sa inyong mga suking tindahan ng aklat sa mga susunod na buwan.
Ang ganda ng kwento, naiyak po ako