#AklatPamana: patimpalak sa pinakalumang librong Adarna

contest-poster

Kasama pa rin ng buong taon naming pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo at bilang pagtanaw sa aming naging simula, inilulunsad ng Adarna House ang #AklatPamana, isang patimpalak para mahanap ang pinakaluma at naingatang librong Adarna.
skip
  1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng pampublikong institusyon (paaralan o aklatan) o indibidwal na nasa loob ng bansa, liban sa mga empleado, manunulat, o ilustrador ng Adarna House.
    skip
  2. Makalalahok lamang ang isang institusyon o indibidwal kung nagmamay-ari sila/siya ng librong Adarna na nailimbag nang o bago 1989.
    skip
  3. Bilang gabay, narito ang mga taon, logo, at may karapatang-ari para sa librong maaring isali:
    1977-1979
    – Logo: Adarna; karapatang-ari ng NCP Publishing Corporation
    1980-1989
    – Logo: Aklat Adarna; karapatang-ari ng Children’s Communication Center
    skip
  4. Para sumali, kunan ng retrato ang pabalat ng librong ilalahok at ipaskil ito sa Twitter, Facebook, o Instagram gamit ang hashtags na #AdarnaHouse at #AklatPamana kasama ang taon ng pagkakalimbag sa libro (makikita sa pahina ng karapatang-ari) at pangalan o institusyong nagmamay-ari sa libro.
    skip
  5. Maipaskil dapat ang retrato ng libro sa buwan ng Hulyo 2015.
    skip
  6. Ang nagmamay-ari sa pinakamatandang libro, ayon sa taon ng pagkakalimbag, ang mananalo. Sakaling maraming libro mula sa iisang taon, ang nasa pinakamaayos na kondisyon ang hihiranging panalo.
    skip
  7. Makatatanggap ang panalo ng LIMANG LIBONG PISO (PHP5,000) at isang daang (100) storybooks bilang premyo.
    skip
  8. Ibibigay ang premyo sa isang pagdiriwang na gaganapin sa 19 Setyembre 2015 (Sabado) sa Manila International Book Fair (SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City).
    skip
  9. Mananatiling pagmamay-ari ng panalo ang librong inilahok, ngunit kailangang dalhin ang kopya nito sa pagdiriwang para makuha ang premyo.
    skip
  10. Para sa anumang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa adarnahouse [at] adarna.com.ph, (0927) 3824716, o (02) 3526765 local 119.

3 Comments

Filed under Adarna House, Contests & Promos