Bagong libro: Sixty Six

sixtysix

Kuwento ni Celestino Cabal. Kabebertdey niya lang. May natanggap siyang regalo na ngayo’y unti-unti niyang binubuksan. Ika nga ng matatanda, “Huli man daw at magaling, maihahabol din.”

Sa unang pagkakataon sa Sabado, mabibili na ang Kabanata 1-4 ng Sixty Six sa isang aklat. Sa Sixty Six, nina Russell Molina at Ian Sta. Maria, masusundan ang kuwento ni Mang Tino at ng kaniyang bagong kapangyarihan. Ito ang ikatlong libro sa pagbabalik ng Anino Comics, ang imprint ng Adarna House na nilikha para sa mga mambabasang nasisiyahan sa mga kuwentong isinalaysay sa masining na pagguhit.

Sa Sabado (13 Hunyo 2015) unang mabibili ang libro, sa halagang PHP275. Sa Lunes (15 Hunyo 2015) pa ito maaaring bilhin sa showroom ng Adarna House at sa online store. Kaya magkitakita tayo nang 1:00 NH sa Comic Odyssey, 4/F Fully Booked, Bonifacio Global City!

Tingnan ang Facebook event page para sa iba pang impormasyon.

Bravo. An extremely confident and polished full package. Impressive. Expecially the layouts and the dialogue. Anxiously awaiting where this story leads. Would love to see this in full color.

The most professional overall packaged and executed book I’ve yet to see come out of the Philippines. Seriously.

—Whilce Portacio

Comments Off on Bagong libro: Sixty Six

Filed under Adarna House, New releases

Comments are closed.