Imbitado ang lahat sa Peryang Adarna!

Perya-Save-the-Date

Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa aming mga produkto at serbisyo sa tatlo’t kalahating dekada! Bilang pasasalamat, inaanyayahan namin kayong lahat sa Peryang Adarna sa 24 Mayo (Linggo) sa Trinoma Activity Center para ipagdiwang ang ika-35 taon ng Adarna House.

Magdala lamang ng isang aklat na kami ang naglimbag para makapasok nang libre sa Perya (isang aklat para sa bawat panauhin). At para lamang sa mga bulinggit, may mga palarong sasalihan at kukumpletuhin para magkaroon ng pagkakataong manalo ng iba’t ibang premyo.

  • 10:00 NU   Pagbubukas ang mga palaro at activity booths
  • 3:00 NH   Simula ng programang padadaluyin ni Mommy Camille Prats
    (kasama ang pagtugtog ng Pundaquit Virtuosi, pagtatanghal ng Movement Studio, pagpapakilala sa mga bagong libro at apps, pamimigay ng mga papremyo, at pagsayaw ni Pilandok)
  • 5:00 NH   Book signing
  • 6:00 NG   Pagsasara ng Perya

Mga mahal naming kalaro, kaeskuwela, at kaibigan, magkita-kita tayo sa Trinoma sa 24 Mayo!

Advertisements

1 Comment

Filed under Adarna House, Book events, Contests & Promos

One response to “Imbitado ang lahat sa Peryang Adarna!