Bagong libro: Maghapon Namin ni Nanay

A Filipino board book, this story embraces the simple joys of a day spent together by mother and child.

Nagbabasa man o nagtatawanan, naglalaro man o nagluluto, kay saya ng araw kapag magkasama kami ni Nanay!

Isang bagong libro para sa mga pinakabata naming mambabasa, ipinagdiriwang ng Maghapon Namin ni Nanay ang mga simpleng saya sa mga araw na magkasama ang bata at ang kaniyang magulang.

Isinulat ni Genaro Gojo Cruz at iginuhit ni Nicole Anne Lim, ito ang pinakabago sa linya ng aming mga board book—mga librong nilikha para sa mga munting kamay na hahawak sa mga ito.

Mabibili na ang librong ito sa halagang PHP190.00 mula sa online store at showroom ng Adarna House, at sa mga susunod na buwan, pati sa mga tindahan ng librong malapit sa inyo!

Advertisements

1 Comment

Filed under Adarna House, New releases

One response to “Bagong libro: Maghapon Namin ni Nanay