Bagong libro: 101 Kagila-gilalas na Nilalang

Nilalang_product-shot

Ipinapakilala ang pinakabagong dagdag sa mga sanggunian namin tungkol sa kultura at paniniwalang Filipino: ang 101 Kagila-gilalas na Nilalang, isinulat ni Edgar Calabia Samar at iginuhit nina Leo Kempis Ang, Sergio Bumatay III, Mico Dimagiba, JC Galag, Kat Matias, Jap Mikel, Harry Monzon, Stephen Prestado, Conrad Raquel, at Borg Sinaban.

Narito ang aklat na nagpapakilala sa mga lamanlupa at halimaw na nakapananakit, ngunit kung minsan ay kaibigan din, sa mga aswang na nagdudulot ng takot at kamatayan, sa mga bayaning may kahanga-hangang lakas, tapang, at talino, sa mga anitong gumagabay at nagbabadya, at sa mga diwata at bathalang namumuno at nangangalaga sa lahat ng nilikha—silang mga nilalang na nabubuhay sa mayamang salaysay at paniniwala ng iba’t ibang pangkat sa ating bansa.

Bawat nilalang ay may kasamang maikling paglalarawan at masining na interepretasyong biswal mula sa mga piling ilustrador.

Mabibili na ang librong ito mula sa online store at showroom ng Adarna House, at sa Hunyo, pati na rin sa mga book store sa buong bansa sa halagang Php 600.00.

2 Comments

Filed under Adarna House, New releases

2 responses to “Bagong libro: 101 Kagila-gilalas na Nilalang

  1. Congrats, Sir Egay!

  2. Melchor Paete

    *Wow! this is a masterpiece! I love Sir Edgar Calabia Samar. He’s my inspiration to write literary pieces in my creative writing class here at U.P. Tacloban (Literature major here!). Hope I can grab one since there are still no bookstores available here in Tacloban due to the typhoon Yolanda. :(*