Tatlong taon pagkaraan ng paglulunsad ng kauna-unahang WiKAHON, maligaya naming ipinakikilala ang pangatlong kahon sa serye ng mga Pahagdang Pagtuturo sa Filipino: ang WiKAHON Pre-A.
Tulad ng mga naunang WiKAHON, nakasaayos pa rin mula pinakamadali hanggang pinakamahirap ang mga babasahin at pagsasanay sa Pre-A. Pero dahil ginawa ito para sa mga nagsisimula pa lamang magbasa sa Filipino, higit na maikli at simple ang mga salita, pangungusap, at babasahin sa Pre-A.
Para din umakma sa antas ng kakayahan ng mga gagamit nito, may mga larawan din ang mga pagsasanay para higit na makatulong sa pagpapatibay ng talasalitaan. Nakabatay ang lahat ng WiKAHON sa UP-AH FiTRI (University of the Philippines-Adarna House Filipino Text Readability Index), ang pinakaunang sistema ng pagsukat sa dali o hirap ng mga bababasahing nakasulat sa Filipino.
Para magtanong tungkol sa WiKAHON Pre-A o sa iba pang WiKAHON, makipag-ugnayan lamang sa (02) 352-6765 o sa wikahon@adarna.com.ph.
What does it contain and how much po? How can we avail?