[Punô na] Libreng seminar sa pagtuturo ng Noli, Fili, at Florante

[1 Abril 2015: Sarado na ang pagpapatala para sa seminar na ito dahil napunô na ang 100 puwestong pangkalahok.]

Klasrum-QC_Web-Poster

Salamat sa pakikipagkatuwang ng College of Education ng Miriam College, magkakaroon ng isa pang Klasrum Adarna para sa mga Guro: Pagtuturo ng Klasikong Panitikan.

Isang libreng seminar (kasama ang pagkain at sertipiko), gaganapin ito sa 24 Abril 2015 (Biyernes) sa Miriam College, Katipunan Avenue, Quezon City.  Si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining, ang tagapagsalita para sa Noli at Fili at si Dr. Michael M. Coroza, makata at guro ng panitikan, ang tagapagsalita para sa Florante at Laura.

Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok:

  1. Isulat ang pangalan ng paaralan, at buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang mobile number at e-mail address ng bawat isa.
  2. Ipadala ito kay Vanessa sa vanessa[at]adarna.com.ph / (0939) 6266255 / (+632) 352-6765 local 125 (fax).
  3. Maghintay ng kumpirmasyong matatanggap sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Itago ito at dalhin sa seminar bilang katibayan ng pagpapatala.
  4. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala. Ang huling araw ng pagpapatala ay 17 Abril 2015 (Biyernes).

Kung mayroong katanungan, makipag-alam sa nabanggit na e-mail at mobile number, o sa (+632) 3526765 local 118.

2 Comments

Filed under Adarna House, Workshops

2 responses to “[Punô na] Libreng seminar sa pagtuturo ng Noli, Fili, at Florante

  1. Hindi po ba puwedeng mag-aaral? Filipino Major mula sa PNU?

    • Nakalaan po ang seminar sa mga pinakamakikinabang dito—mga gurong nagtuturo ng mga naturang paksa sa kanilang klase. Maaari pong magpatala ang mga hindi guro, ngunit ilalagay lamang sila sa waitlist, at tatanggapin lamang kapag hindi napuno ang seminar. Maraming salamat.