Marso 27: Libreng seminar sa pagtuturo ng Noli, Fili, at Florante

Klasrum-Makati

Inaanyayahan ang mga guro ng Filipino sa mataas na paaralan na dumalo sa aming taunang Klasrum Adarna para sa mga Guro. Nakatuon ang Klasrum ngayong taon sa Pagtuturo ng Klasikong Panitikan.

Isang libreng seminar (kasama ang pagkain at sertipiko), gaganapin ito sa 27 Marso 2015 (Biyernes) sa Philippine Development Training Center, Gil Puyat (Buendia) Ave, Makati City. Ang mga magsisilbing tagapagsalita at magpapakitang-turo ay sina Paolo Paculan para sa Florante at Laura at Salvador Biglaen para sa Noli at Fili.

Mayroong 100 puwestong pangkalahok at pupunan namin ang mga ito ayon sa pagdating ng mga pagpapatala. Hanggang dalawang guro lamang ang maaaring ipadala ng bawat paaralan. Narito ang mga detalye upang makalahok:

  1. Isulat ang pangalan ng paaralan, at buong pangalan ng [mga] gurong inyong ipapadala kasama ang mobile number at e-mail address ng bawat isa.
  2. Ipadala ito kay Ergoe sa ergoe[at]adarna.com.ph / (0927) 3824716 / (+632) 352-6765 local 125 (fax).
  3. Maghintay ng kumpirmasyong matatanggap sa mobile number at/o e-mail address ng kalahok. Itago ito at dalhin sa seminar bilang katibayan ng pagpapatala.
  4. Hindi makalalahok ang mga hindi nakapagpatala. Ang huling araw ng pagpapatala ay 25 Marso 2015 (Miyerkoles).

Kung mayroong katanungan, makipag-alam sa nabanggit na e-mail at mobile number, o sa (+632) 3526765 local 119. Salamat po.

Si Paolo Paculan ay guro, musikero, mananaliksik, at tagasalin. Naging Puno siya ng Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila. Konsultant siya ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanilang kurikulum, mga aklat, at mga pagsusulit. Tagapag-ugnay siya para sa Filipino ng pambansang organisasyon ng mga paaralang Heswita. Nagsasaliksik siya at nagsusulat ng mga artikulo’t aklat, lalo na sa larang ng pamanang panitikang Filipino.

Nagtuturo si Salvador Biglaen sa Mataas na Paaralan ng Miriam College sa Quezon City. Isang musikero, makata, at mananaliksik, nagawaran na ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at Filipinas Institute for Translation ang kaniyang mga tula at sanaysay.

Comments Off on Marso 27: Libreng seminar sa pagtuturo ng Noli, Fili, at Florante

Filed under Adarna House, Workshops

Comments are closed.