Kid/teen fiction now available on Buqo!

buqo

Young adult novels Mga Tala sa Dagat and Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon and intermediate reader Supremo are now available on Buqo as e-books! Each title is available for Php 160.00.

Mga Tala sa Dagat (Annette Acacio Flores / Nanoy Rafael)

Isang pag-iibigan ang nabuo sa pagitan ng prinsesa at isang mangingisda. Isang bata ang kailangang isuko ang paglalaro at pag-aaral, alang-alang sa pagiging pinakamahusay na mangingisda ng bayan. Nauugnay ang lahat ng ito ng isang pangako, isang pangako tungkol sa higanteng dagat na mga dala-dalang mga tala. Ito ang kuwento ng isang pamilya ng mga mangingisda at ng kanilang tadhanang nakatali sa dagat.

 Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon (Edgar Calabia Samar)

Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

Supremo (Xi Zuq / Al Estrella)

“Supremo Andro!”

‘Yan ang gustong marinig ni Andro pagtuntong niya ng Grade 6. Kaya naisip niyang tumakbo bilang Supremo ng Katipunan. Hindi niya inakala na marami palang dapat gawin bago maging Supremo. Hindi niya inaasahan ang mga matututuhan niya bago maging pinuno. Matupad kaya ang kaniyang pangarap na maging Supremo?

 

Advertisements

Comments Off on Kid/teen fiction now available on Buqo!

Filed under Adarna House

Comments are closed.