Inaanyayahan ng Adarna House ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa paparating na Ikatlong Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Gaganapin nang 31 Enero 2015 (Sabado) sa Girl Scouts of the Philippines National Program Training Center (Ating Tahanan) Multipurpose Hall, 6 South Drive, Baguio City, ang Kumperensiya ay inihahandog sa pakikipagkatuwang ng STEP Learning Academy.
Iikot ang Kumperensiya sa temang Filipino sa Makabagong Panahon. Si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining at puno ng Komisyon sa Wikang Filipino, at si Dr. Michael M. Coroza, isang makata at dalubwikang nagtuturo sa Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University, ang mga tagapagsalitang pandangal. Papaksain ni G. Almario ang mga kontemporaneong tuntunin sa wikang Filipino, habang tatalakayin naman ni Dr. Coroza ang halaga ng at halagahan sa pagsasalin.
Kasama sa registration fee ang pagkain (tanghalian at dalawang meryenda), conference kit, sertipiko, at kopya ng mga papel pangkumperensiya. Magrehistro na!
Hanggang 15 Disyembre 2014
· Php 1,000.00 bawat kalahokHanggang 20 Enero 2015
· Php 1,750.00 bawat kalahok
· Php 1,000.00 bawat kalahok para sa grupo ng 5 o higit paMula 21 Enero 2015
· Php 3,000.00 bawat kalahok
I-download lamang ang mga sumusunod para sa iba pang impormasyon:
· 2015 Kumperensiya sa Filipino – Programa
· 2015 Kumperensiya sa Filipino – Registration Form
Para sa anumang katanungan, makipag-ugnayan sa (+632) 352-6765 local 119, (+63927) 382-4716 o kumperensiya@adarna.com.ph.