Nov.15: Anino Comics sa Komikon

anino-2015

Ilang araw na lang at Komikon na! (15 Nobyembre 2014 sa Bayanihan Center, Unilab Compound, Pasig City) Bisitahin ang aming booth doon para sa mga inihanda naming patikim sa pagbabalik ng Anino Comics sa 2015.

Makikita ninyo sa aming booth sina Adam David, Borg Sinaban (na kakapanalo lang ng National Book Award para sa PilandoKomiks 2: Mga Pagsubok ng Karagatan), Koi Carreon, at Russell Molina & Ian Sta. Maria (na puwedeng bilhan ng Sixty-Six Chapters 1-3). Magdadala rin kami ng PilandoKomiks, Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, Supremo, at mga t-shirt ng Janus Silang & Supremo para sa mga gustong bumili.  Makakabili na rin ng teasers at zines ng mga ilalabas ng Anino sa sunod na taon! At bili-bili lang, dahil may ipapamigay na mga tattoo, bookmark, at catalogue kasama ng mga ito.

Siyempre, huwag kalimutang i-Like ang Anino Comics Facebook page, para sa sari-saring balita tungkol sa mga pinagkakaabalahan ng Anino Comics creators. Kitakits sa Komikon!

Advertisements

Comments Off on Nov.15: Anino Comics sa Komikon

Filed under Adarna House, Book events

Comments are closed.