Aginaldong Adarna: Nov.15-Dec.18

Christmas-Sale

Ramdam na ba ninyo ang paparating na Pasko? Kami rin, ramdam na namin! Kaya bilang maagang pagbati sa inyo, aanyayahan namin kayong dumalaw sa aming showroom mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 18 para sa Aginaldong Adarna, ang aming taunang Christmas Sale!

Dahil magtataas na ang presyo ng aming storybooks sa sunod na taon (Php 79.00 na bawat isa), ito na ang huling pagkakataong mabili sila sa halagang Php55.00. Magtataas rin ang presyo ng board books (mula Php 95.00, magiging Php 99.00), kaya ito na ang panahong mamakyaw ng Unang Aklat boxes! Tulad ng iba pang Christmas packages, limitado ang bilang ng mga ito, kaya’t pumunta nang maaga para hindi maubusan.

Maganda rin itong pagkakataong magbahagi ng mga biyaya. Bahagi ng kinikita ng aming showroom ay napupunta sa Adarna Group Foundation. Taon-taon din kaming nakikipagkatuwang sa Jollibee Foundation, kaya maaari kayong magdala ng mga hindi na ginagamit na laruan, libro, o damit para ilagay sa kahon ng Maaga ang Pasko na nasa aming showroom.

Bukas ang aming showroom Lunes hanggang Sabado, 8:00 NU hanggang 12:00 NT at 1:00 hanggang 5:00 NH. Para sa anumang katanungan, tumawag sa (02) 352-6765 o makipag-ugnayan sa aming Facebook o Twitter accounts.

EDSA-140

Magkulay-250

Sanayan-250

Science-320

trak-500

UnangAklat-650

YA-750

 

Advertisements

3 Comments

Filed under Adarna House, Book events

3 responses to “Aginaldong Adarna: Nov.15-Dec.18

  1. Pam / Hey, Miss Adventures!

    Is it possible to get these online? I’m from Cebu, by the way.

  2. Reblogged this on Mom:The Best Title in the World and commented:
    Another book shopping spree for my bookworms and me :)