#JanusSilang: BooKuwentuhan sa Fully Booked ATBP

JanusSilang_FullyBooked

Marami na raw ang nakakakilala kay Janus Silang! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik, sa mga susunod na araw ay bibisita sa ilang lugar ang librong Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, kasama ang may akdang si Edgar Calabia Samar.

20 Mayo (Martes) – 7:00 NG
LIRAHAN: Sino si Janus Silang?
Kasama ang LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo)
Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City

24 Mayo (Sabado) – 3:00 NH
BooKuwentuhan at Book Signing
Kasama ang PRPB (Pinoy Reads Pinoy Books)
Fully Booked SM North The Block

7 Hunyo (Sabado)  – 3:00 NH
Book Signing
Fully Booked Greenbelt 5

Magkita-kita po tayo sa mga araw na ito para magkuwentuhan, magpapirma ng libro, at para sa mga wala pa, magkakopya nito!

Tungkol sa Aklat
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon! Bisitahin ang TALArchives.Net.

Tungkol sa Manunulat
Si Edgar Calabia Samar ay ipinanganak sa Lungsod San Pablo at nakapagsulat na ng dalawang nobela, ang Walong Diwata ng Pagkahulog (2009) at Sa Kasunod ng 909 (2012). Itong Janus Sílang series ang una niyang kathang YA. Nagtuturo siya ngayon ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University. Mahigit sampung taon na ang nakararaan nang una siyang makakilala ng isang Púsong. Bisitahin ang kaniyang website.

1 Comment

Filed under Adarna House, Book events

One response to “#JanusSilang: BooKuwentuhan sa Fully Booked ATBP

  1. Pingback: Book & Reader Events: JUNE 2014 | Filipino ReaderCon