Watawat ng Bagong Katipunan

mga-nagwagi-2013

Pagpupugay para sa mga nagwagi ng aming Patimpalak sa Makabagong Watawat ng Katipunan, sina Agatha Marie Simbillo mula sa San Diego Parochial School, at Adrianne Paul Catimbang mula sa The Seed Montessori School!

Makatatanggap ang 2 nagwagi ng tiglimang libong piso (Php 5,000.00) at mga librong nagkakahalagang dalawang libo at limandaang piso (Php 2,500.00). Tatanggap rin ng mga librong nagkakahalagang limang libong piso (Php 5,000.00) ang mga eskuwelahan ng mga nagwagi.

Ang paggagawad ay magaganap sa Araw ni Andoy, sa ika-30 ng Nobyembre, sa Adarna House showroom. Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa aming patimpalak!

Advertisements

Comments Off on Watawat ng Bagong Katipunan

Filed under Adarna House

Comments are closed.