Ipagdiwang ang Araw ni Andoy!

araw-ni-andoy

Inaanyayahan ang lahat na makisaya sa aming pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio.

Sa ika-30 ng Nobyembre, 10:00 NU sa Adarna House showroom, magkakaroon ng storytelling at book-signing upang ipakilala ang ilang libro tungkol sa magiting nating bayani.

Kasama na rito ang Ngumiti si Andoy, na nagtatampok sa kuwento at mga ilustrasyong nagwagi ng PBBY-Salanga Prize at PBBY-Alcala Prize ngayong taon. Isinulat ito ni Xi Zuq, at iginuhit naman ni Dominic Agsaway.

Bukod sa mga ito, makatatanggap rin ng dalawang libro at loot bag ang mga batang ipagpupugay ang pagmamahal ni Andres Bonifacio sa bayan at darating bilang mga Katipunero.

Magkita-kita tayo at samahan ninyo kaming sumigaw: BASA, MGA KAPATID!

Advertisements

3 Comments

Filed under Adarna House, Book events, Contests & Promos