Christmas sale: hanggang December 21 na!

Christmas-sale-21

– – – – – – – UPDATE FOR 16 DECEMBER 2013 – – – – – – –  

Hanggang ika-21 na ng Disyembre (Sabado) ang aming pamaskong bagsak-presyo!

– – – – – – – END OF UPDATE – – – – – – –  

Lumalamig nang muli ang simoy ng hangin! Umiinit naman ang aming mithing maiparamdam sa inyo ang papalapit nang Pasko!

Kaya simula sa ika-15 ng Nobyembre (Biyernes) hanggang ika-20 ng Disyembre (Biyernes), makatatanggap ng malaking diskuwento ang mga bibisita sa aming showroom! Ang mga storybook namin ay magiging Php 55.00 na lang bawat isa mula sa Php 73.00.

Mabibili pa rin, siyempre, ang mga pang-aginaldong bayong ng mga libro:

Naglalaman ng libreng kahon ng pangkulay ang bayong ito ng 3 coloring book at Sanayang Adarna.

Naglalaman ng libreng kahon ng pangkulay ang bayong na ito
ng 3 coloring book at Sanayang Adarna.

Sama-sama sa mas mababang presyo ang 6 na bagong kuwento sa isang pulang bayong.

Sama-sama sa mas mababang presyo ang 6 na bagong kuwento
sa isang pulang bayong.

Kasama sa bayong na ito ang 5 kuwentong Pilandok, ang PilandoKomiks Isyu 1, at isang Pilandok plushie.

Kasama sa bayong na ito ang 5 kuwentong Pilandok, ang PilandoKomiks Isyu 1,
at isang Pilandok plushie.

Naglalaman ito ng lahat ng siyam (9) naming board book.

Naglalaman ito ng lahat ng siyam (9) naming board book.

At mabibili pa rin ang kamiseta ni Kaloy, ang kuting ng Sanayang Adarna. Php 200.00 ang pambatang kamiseta, at Php 250.00 naman ang mas malalaking kamiseta.
kaloy-shirt

Narito ang mapa ng aming showroom. Kita-kita tayo ngayong Pasko!

Advertisements

2 Comments

Filed under Adarna House, Book events

2 responses to “Christmas sale: hanggang December 21 na!

  1. Pingback: Christmas Treat for Readers Year 2 | The Adarna House Blog

  2. Pingback: Cyber Monday: 25% off all books | The Adarna House Blog