Bilang pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, inaanyayahan kayong sumali ng Adarna House sa Patimpalak sa Makabagong Watawat ng Katipunan.
- Bukas ang patimpalak na ito para sa mga Filipinong mag-aaral, at mayroong dalawang kategorya: isa para sa Elementarya, at isa para sa Sekundarya.
- Upang lumahok, umisip ng disenyo ng watawat ng Katipunan na babagay sa kasalukuyang panahon. Hindi kailangang parihaba ang watawat — maaring iba ang maging hugis nito.
- May dalawang paraan ng paglikha at pagpapasa:
(A) Digital: Magpadala sa adarnahouse[at]adarna.com.ph ng JPEG file ng inyong likhang may 300dpi na resolution at may haba (width) na 2 talampakan.
(B) Likhang-kamay: Gawin sa 1/8 illustration board at ipadala sa Adarna House, 109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Laging Handa, Quezon City. Maaari ring ipadala sa e-mail ang likhang-kamay, kung maipapa-scan ito nang 300 dpi ang resolution. - Kailangang matanggap ang mga ipinasang disenyo sa o bago
mag-ika-22 ng Nobyembre, 2013 kasama ang mga sumusunod na detalye: pamagat ng disenyo, pangalan ng may likha, pangalan at address ng paaraalan, baitang at pangkat, tirahan, numero (landline at mobile). - Magmumula sa Adarna House ang mga huradong pipili ng mananalo ayon sa:
50% – Pagkakasalamin sa diwa ng Katipunan
25% – Pagiging makabago at kapana-panahon
25% – Pagkamalikhain - Makatatanggap ang 2 nagwagi (1 sa Elementarya, at 1 sa Sekundarya) ng limang libong piso (Php 5,000.00) at mga librong nagkakahalagang dalawang libo at limandaang piso (Php 2,500.00). Tatanggap rin ng mga librong nagkakahalagang limang libong piso (Php 5,000.00) ang mga eskuwelahan ng mga nagwagi.
- Binibigyan ng mga kalahok ng pahintulot ang Adarna House na gamitin ang mga disenyong ipapasa nila sa patimpalak para sa mga patalastas at programang may kinalaman sa patimpalak. Anumang ibang paggamit ng Adarna House ay kailangang ipagpaalam muna sa lumikha.
- Wala pang tiyak na plano para sa paggagawad na magaganap sa o bago mag-ika-30 ng Nobyembre, 2013. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-alam sa Adarna House sa (02) 352-6765 loc. 119.