Ikinalulugod na inaanyayahan ng Adarna House at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa paparating na Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Gaganapin ang kumperensiya sa ika-3 hanggang ika-5 ng Abril, 2013 (Miyerkoles hanggang Biyernes) sa Escaler Hall ng Ateneo sa Loyola Heights, Quezon City.
Ang kumperensiyang ito ay iikot sa temang Wika at Panitikan sa Silid-Aralan. Si Virgilio S. Almario, bagong puno ng Komisyon sa Wikang Filipino, at si Dr. Isagani Cruz, pambansang sangguni sa K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga magsisilbing tagapagsalitang pandangal. Papaksain ni G. Almario ang halaga ng wika sa pagtataguyod ng kultura at pambansang pagkakakilanlan, habang tatalakayin naman ni Dr. Cruz ang usapin ng wika sa kurikulum ng basic education.
MGA PLENARYA
Ang UP-Adarna House Filipino Text Readability Index (UP-AH FiTRI)
Rowena Cristina L. Guevara
Isang Pagtanaw sa 30 taon ng PBBY
Prof. Portia Padilla
Ang Sistema ni Propesor Tuko:
Pagtatanghal at Pagtuturo ng Dula
Ateneo ENTABLADO at Kagawaran ng Filipino
Pinoy Komiks sa Pinoy Klasrum
Dr. Edgar Samar
Wika at Edukasyon sa Saligang Batas
Atty. Nicolas B. Pichay
Ang Dahilan ng Panitikang Pambata sa Edukasyon
Russell Molina
MGA BREAKOUT SESSION
Filipino sa Bagong Kurikulum
Magagandang Pamamaraan sa Filipino (Pakitang-Turo)
GABAY SA PAGBABAYAD
- Hanggang ika-5 ng Marso (pinatagal hanggang ika-8 ng Marso)
= Php 3,500.00 bawat kalahok - Hanggang ika-27 ng Marso
= Php 5,000.00 bawat kalahok
= Php 3,500.00 bawat kalahok para sa grupo ng 3 o higit pa - Hanggang ika-3 ng Abril
= Php 7,000.00 bawat kalahok
Kasama sa registration fee ang pagkain (tanghalian at 2 meryenda para sa 3 araw), conference kit, sertipiko, at kopya ng mga papel pangkumperensiya.
Upang magpatala, i-download, sagutan, at ipasa ang 2013 Kumperensiya sa Filipino – Registration Form. Maaari ring i-download ang buong programa ng Kumperensiya: 2013 Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Tatanggap lamang ng 200 kalahok ang Kumperensiya.
Upang humiling ng pormal na paanyaya o para sa anumang paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay Ergoe sa kumperensiya[at]adarna.com.ph, (02) 352-6765 local 119, o sa (0927) 382-4716.
Pingback: Adarna House brings you ‘Bookmaking for Kids’ « Philippine Literature, Culture, & Ideas: Kalatas
Pingback: ‘Wika at Panitikan sa Silid-Aralan’ sa Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino « Philippine Literature, Culture, & Ideas: Kalatas
Pingback: Kumperensiya at Pilandokamp: early bird hanggang March 8 | The Adarna House Blog