5 regalo para sa inyo!

Nagsimula na kahapon (November 15) ang Aginaldong Adarna, ang Christmas sale sa aming showroom. Pero hindi lang iyon ang regalo namin sa inyo ngayong Pasko!

Regalo # 1
Titipunin namin ang inyong mga paboritong manunulat at ilustrador sa hapon ng December 1 (Sabado) para makipaghuntahan sa inyo, at siyempre para pumirma ng mga libro. (Narito ang listahan ng mga dadalong author at illustrator.)

Regalo # 2
Lahat rin ng pupunta sa aming showroom mula 1:00 hanggang 5:00 nang hapon sa araw na iyon, at bumili ng kahit anong aklat (na hindi bargain book) ay makatatanggap ng libreng 2013 Adarna House calendar.

Regalo # 3
May libreng pameryenda para sa mahal naming mga mambabasa!

Regalo # 4
Mabibili na ang mga pahabol naming bagong aklat para sa taong ito: ang PBBY winner na Ano’ng Gupit Natin Ngayon? (Russell Molina at Hubert Fucio), Ang Lihim ng San Esteban (Annette Flores Garcia), Pilandokomiks: Ang Tatlong Sumpa (Borg Sinaban), at Una and Miguel (Lillideshan Bose).

Regalo # 5
Sa araw na ito rin unang mabibili ang mga bago at cute-na-cute naming Pilandok merchandise: ang Pilandok plushie at Pilandok t-shirt.

Kaya, regaluhan ang sarili, at magkita-kita tayo sa aming showroom sa December 1, 1:00 PM hanggang 5:00 PM.

Advertisements

9 Comments

Filed under Adarna House, Book events

9 responses to “5 regalo para sa inyo!

  1. ano po ang sizes ng pilandok shirt, may pambata po ba? mabibili rin po ba ng 2012 calendar?

  2. Pingback: 5 regalo para sa inyo! « The world through a spyglass

  3. Sa December 1 lang po ba mabibili ang t-shirt?Or kahit po pagkatapos ng december 1 ay meron parin kayong stock sa Adarna House Showroom? :)

  4. lungkot… uuwi na ko ng amerika ng nov 30. pilandoook!

  5. Mayroon pa po bang stock ng Pilandok t-shirt sa ngayon? :)