Aginaldong Adarna: Isang Christmas Sale

Pasko na naman, o kay tulin ng araw!

At bilang aginaldo sa inyo, bagsak-presyo ulit ang mga libro sa aming showroom mula ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-20 ng Disyembre. Hanggang 70% ang ibinaba ng presyo ng mga piling aklat, habang ang storybooks naman ay mabibili lang ng Php55.00 (na Php73.00 ang tunay na presyo). May libre pang gift-wrapping services tuwing Sabado!

At kung kayo naman ang may aaginalduhan, meron din kaming inihandang panregalo para sa inyong mga tsikiting:

Kung wala sa bayong, aabot nang Php 570.00 ang anim na board book, na magandang panregalo sa mga pamangkin o inaanak ninyong edad 0 hanggang 3.

Ang bayong ng activity books ay may lamang 4 libro na kapag binili nang hiwa-hiwalay ay magkakahalagang Php234.00. Sa Pamaskong Bayong, Php200.00 lang ang 4 libro, may kasama pang 1 kahon ng krayola sa loob, at siyempre magandang pagkakabalot.

Bukas ang aming showroom Lunes hanggang Sabado, 8:00 NU hanggang 5:00 NH. (Narito ang mapa.) Tumawag lamang sa (02) 352-6765 para sa inyong mga katanungan.

Meri Krismas!

Advertisements

Comments Off on Aginaldong Adarna: Isang Christmas Sale

Filed under Adarna House, Book events

Comments are closed.