Dahil sa bagong anunsyo na walang pasok sa ika-26 ng Oktubre, sa 26 na lang tayo magmultuhan! (Para rin may iba pa kayong magawa sa inyong Sabado’t Linggo.) Kaya…
Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga tsikiting sa Adarna House para mangaluluwa sa amin sa ika-26 ng Oktubre (Biyernes)!
May 20% diskuwento sa lahat ng libro (maliban sa WiKAHON). Meron ding lootbag sa unang 25 batang naka-costume, at kung ang costume ay Pinoy na halimaw o tauhan, may libre ring storybook!
Siyempre, may mga storytelling session: isa sa umaga (10:00) at isa sa hapon (2:00). At may dagdag-kaalaman pa tungkol sa tradisyon natin ng pangangaluluwa. Nakapangangaluluwa na ba kayo? Alam ba ninyong kantahin ito?
Kaluluwa’y dumaratal
Sa tapat ng Durungawan
Kampanilya’y tinatantay
Ginigising ang may buhay
Kung kami po’y limusan
Dali-dalian po lamang
Baka kami mapagsarhan
Ng pinto ng kalangitan
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
hi. sorry magkaiba kasi yung story telling time sa poster at sa text. :) 9am po ba or 10am yung start? thanks! :)
Ay, opo, pasensya na. Naitama na po: 10AM po ang storytelling sa umaga. Salamat po! :)