Ano kaya ang pinakamaikling Ingles na katumbas ng puwíng? Kaya kaya ninyong hulaan ang kahulugan ng ót-ot ayon sa konteksto?
Kaya pala nauubos ang toothpick dito, inoot-ot ng mga naghihintay ng pagkain.
ót-ot
a) pagtakas
b) paglalaro
c) panlibang na pagsipsip sa isang bagay
I-highlight ito upang malaman ang sagot: C
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino:
ót-ot png : pagsipsip sa anumang bagay upang malibang, karaniwang ginagawa ng mga sanggol.
pu·wíng png 1: anumang maliit na bagay na di-sinasadyang nalagay sa loob ng talukap ng mata 2: pagpapasinungaling sa pahayag ng kapuwa.
– – – – – – – – –
Linggo-linggo, maghahandog kami ng mga salitang Filipinong mahirap hanapan ng sansalitang salin sa Ingles, at sumasalamin sa makulay at mayaman nating kultura. Ito ay bilang paghahanda namin sa nalalapit na Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino.