Nang marinig ko ang kaniyang ngulíng, saka ko naramdamang nabagoóng na pala ako rito.
Heto ulit ang mga salita natin para sa linggong ito, ginamit sa mga pangungusap. Kaya ba ninyong hulaan ang mga kahulugan ayon sa konteksto?
nabagoóng
a) nalimutan
b) hindi na napagalaw
c) nagsawa
ngulíng
a) pagbawi sa pinag-usapan
b) pagtanggi
c) paulit-ulit na paghiling
I-highlight ito upang malaman ang sagot: B, B
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino:
na·ba·go·óng pnr Idy [na+bagoong] : nananatili sa isang posisyon o ranggo nang mahabang panahon.
ngu·líng png : pagbawi ng pangako.
– – – – – – – – –
Linggo-linggo, maghahandog kami ng mga salitang Filipinong mahirap hanapan ng sansalitang salin sa Ingles, at sumasalamin sa makulay at mayaman nating kultura. Ito ay bilang paghahanda namin sa nalalapit na Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino.