Tumatanda na yata talaga ako, at lagi na lang akong nalilihò. Kapag nasa bahay, panalo ang maláhinabúyan.
Heto ulit ang mga salita natin para sa linggong ito, ginamit sa mga pangungusap. Kaya ba ninyong hulaan ang mga kahulugan ayon sa konteksto?
lihò
a) pagkahilo o pagkalula
b) pagkalimot ng mga salita
c) panlalabo ng paningin
maláhinabúyan
a) malapad na higaan sa harap ng bintana
b) agahan ng natirang hapunan ng nakaraang gabi
c) luma at maninipis na damit
I-highlight ito upang malaman ang sagot: B, C
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino:
li·hò png 1: daya 2: sa pagsusulat, ang pagkaligta sa salita.
ma·lá·hi·na·bú·yan png : damit na nagkapunit-punit na dahil sa kalumaan o matagal na paggamit.
– – – – – – – – –
Linggo-linggo, maghahandog kami ng mga salitang Filipinong mahirap hanapan ng sansalitang salin sa Ingles, at sumasalamin sa makulay at mayaman nating kultura. Ito ay bilang paghahanda namin sa nalalapit na Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino.