handál | idiyâ

Mahuhulaan mo ba ang kahulugan ng mga salita natin para sa linggong ito?

Kung may alimbayaw, mayroon siyempreng handál.

at

Talagang maraming umiidiyâ tuwing Lunes.

handál
a) paglingon sa taong pinagpaalaman
b) pagtanaw sa papalapit
c) pagtatanong ng tamang daan

idiyâ
a) magbulakbol
b) pilit na magbuhos ng pansin sa isang mahalagang bagay
c) mahirapang gumising

I-highlight ito upang malaman ang sagot: B, C

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino:

han·dál pnr : unti-unting nababanaagan ang isang dumarating.

i·di· pnd mag-i·di·yâ, u·mi·di· : [ST] gumising nang pílit kahit inaantok pa.

– – – – – – – – –

Linggo-linggo, maghahandog kami ng mga salitang Filipinong mahirap hanapan ng sansalitang salin sa Ingles, at sumasalamin sa makulay at mayaman nating kultura. Ito ay bilang paghahanda namin sa nalalapit na Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino.

Comments Off on handál | idiyâ

Filed under Adarna House, Literature & Literacy, Workshops

Comments are closed.