kalumangyó | daluyróy

Kaya ba ninyong hulaan ang kahulugan ng mga salita natin ngayong linggo?

Hindi ko kayang kalumangyuhin ang taong mahilig magdaluyroy.

kalumangyó
a) kunsintidor
b) taong mahilig ibaling sa iba ang kasalanan
c) taong laging kasama

daluyróy
a) pagkamakalat masinop sa gamit
b) paglilista ng mga nagawang bagay upang magpahanga
c) paggala nang walang tiyak na pupuntahan

I-highlight ito upang malaman ang sagot: C, B

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino:

ka·lu·mang·yó png : sinumang malimit na kasama

da·luy·róy png : isa-isang pagbanggit ng mga bagay, gaya ng pagnanais na pahangain ang ibang tao hinggil sa nagawa

– – – – – – – – –

Linggo-linggo, maghahandog kami ng mga salitang Filipinong mahirap hanapan ng sansalitang salin sa Ingles, at sumasalamin sa makulay at mayaman nating kultura. Ito ay bilang paghahanda namin sa nalalapit na Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino.

Advertisement

1 Comment

Filed under Adarna House, Literature & Literacy

One response to “kalumangyó | daluyróy

  1. Salamat sa pagbahagi ng wastong paggamit ng salitang ito. :)