Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino

Ikinalulugod na inaanyayahan ng Adarna House at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa paparating na Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Gaganapin ang kumperensiya sa ika-26 at 27 ng Oktubre, 2012 (Biyernes at Sabado) sa Escaler Hall ng Ateneo sa Loyola Heights, Quezon City.

Ang kumperensiyang ito ay iikot sa temang Wika at Panitikan sa Silid-Aralan. Si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, ang magsisilbing tagapagsalitang pandangal. Papaksain ni Dr. Lumbera ang halaga ng wika sa pagtataguyod ng kultura at pambansang pagkakakilanlan.

MGA PLENARYA

Ang Usapin ng Wika sa Kurikulum na K-12
Dr. Dina Ocampo

Ang Sistema ni Propesor Tuko:
Pagtatanghal at Pagtuturo ng Dula

Ateneo ENTABLADO at Kagawaran ng Filipino

Pinoy Komiks sa Pinoy Klasrum
Dr. Edgar Samar

Ang Indibidwal at Lipunan
sa Maiikling Kuwento ni Macario Pineda

Dr. Soledad Reyes

Tungo sa Filipino Bilang Ganap na Wikang Pambansa
Roberto Añonuevo

MGA BREAKOUT SESSION

Ang Kurikulum ng Filipino ayon sa Antas
Magagandang Pamamaraan sa Filipino (Pakitang-Turo)

GABAY SA PAGBABAYAD

Hanggang ika-7 ng Setyembre Pinahaba hanggang ika-5 ng Oktubre
= Php 3,500.00 bawat kalahok

Hanggang ika-19 ng Oktubre
= Php 5,000.00 bawat kalahok
= Php 3,500.00 bawat kalahok para sa grupo ng 3 o higit pa

Hanggang ika-26 ng Oktubre
= Php 7,000.00 bawat kalahok

Kasama sa registration fee ang pagkain (tanghalian at 2 meryenda para sa 2 araw), conference kit, sertipiko, at kopya ng mga papel pangkumperensiya.

Upang magpatala, i-download, sagutan, at ipasa ang 2012 Kumperensiya sa Filipino – Registration Form. Maaari ring i-dowload ang buong programa ng Kumperensiya: Kumperensiya sa Filipino_Daloy 24Set2012. Tatanggap lamang ng 200 kalahok ang Kumperensiya.

Upang humiling ng pormal na paanyaya o para sa anumang paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay Ergoe sa kumperensiya[at]adarna.com.ph, (02) 352-6765 local 119, o sa (0927) 382-4716.

11 Comments

Filed under Adarna House, Workshops