Postponed: Panayam sa Maikling Kuwento

MAHALAGANG TALA: Dahil po sa hiling ng mga interesadong lumahok, napagpasyahan po ng mga tagapagtaguyod ng Panayam sa Maikling Kuwento na ipagpaliban ang naturang forum. Wala pa pong bagong petsa para sa mga panayam, subalit sisiguruhin po naming nakabalik na sa bakasyon ang mga librarian at gurong nagpasabi ng kanilang interes sa panayam.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang naidulot nito, at muli po kaming makikipag-ugnayan kapag mayroon nang mga detalye ang magiging forum. Para po sa mga katanungan, mangyari na lamang pong makipag-ugnayan sa ergoe [at]adarna.com.ph o sa (632) 352-6765.

Inaanyayahan ang mga guro ng panitikan at mga librarian sa dalawang panayam tungkol sa maikling kuwento. Ang mga panayam ay tatapat sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Macario Pineda, at magsisilbi ring paglulunsad ng bagong librong Ang Maikling Kuwento sa Filipinas: 1896-1949, Kasaysayan at Antolohiya ni Virgilio S. Almario (limbag ng Anvil Publishing).

Gaganapin ang mga panayam mula 10:00 NU hanggang 5:00 NH sa ika-10 ng Abril, 2012 (Martes) sa Pambansang Aklatan, TM Kalaw St, Ermita, Manila.

10:30 NH – 12:00 NT
Ang Pamana at Panitik ni Bienvenido N. Santos
Dr. Isagani Cruz, Professor Emeritus, De La Salle University

2:00 NH – 3:00 NH
Macario Pineda, Kuwentista: Ika-100 Kaarawan
Dr. Soledad Reyes, Professor Emeritus, Ateneo de Manila University

3:00 NH – 5:00 NH
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento sa Filipinas
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining

Ang maagang pagpapatala para sa mga panayam ay hanggang ika-23 ng Marso at magkakahalaga ng Php 700.00, kasama ang sertipiko, meryenda, at kopya ng ilulunsad na libro. Kunin dito ang registration form at kumpletong detalye para sa pagpapatala at pagbabayad.

Limitado ang bilang ng kalahok, at kailangang magpatala ng bawat dadalo. Maaaring makipag-ugnayan o magpatala sa 02-352-6765 local 119 o ergoe [at] adarna.com.ph.

Comments Off on Postponed: Panayam sa Maikling Kuwento

Filed under Adarna House, Workshops

Comments are closed.