Halina’t magbasa!

Mahilig bang magbasa ang anak/kapatid/estudyante mo?

Ayon sa pananaliksik, malaki ang naitutulong ng pagbabasa para sa mas epektibong pag-aaral ng isang bata. Ang isang batang mahilig magbasa ay hindi lamang lumalawak ang bokabularyo. Nagiging mas mahusay rin ang kakayahan niyang umunawa ng mga binasang teksto.[1]

Nahahasa rin ang kakayahang makaalala at magbuhos ng konsentrasyon ng isang batang mahilig magbasa. At siyempre, dahil din sa pagbabasa, mas tumataas ang posibilidad na magtagumpay siya sa pag-aaral. Ang galing diba?

Kaya naman importanteng sa murang edad pa lamang, hinihikayat na ang mga batang magbasa. Mahalagang ipaunawa sa kanila na mayroong saya sa bawat pagbuklat ng pahina!

[1] Best Practices in Literacy Instruction, Ed. by Linda Gambrell, Lesley Morro, and Michael Pressley

Comments Off on Halina’t magbasa!

Filed under Adarna House

Comments are closed.