[mayroon] vs [meron]

Pero wala, wala, wala! :p

Pero hindi nga, okey lang bang baybayin ang mayroon bilang meron?

Sagot: Oo naman!

Ang mga salitang tulad ng mayroonkailan, at tainga, na binibigkas natin sa araw-araw bilang meron, kelan, at tenga, ay maaari nang baybayin ayon sa pagkakabigkas.

Mahalagang tandaan ang “ayon sa pagkakabigkas” dahil marami pa tayong ibang salitang gumagamit ng -ai-. Pero hindi naman tayo nagsasabi ng kebigan kelangan.

Gayunpaman, itinuturing pa ring pangkanto ang mga pagbabaybay na ito. Kung kaya, maaari itong gamitin upang makapagparating ng layuning pampanitikan; subalit kailangang iwasan para sa mga sulating pang-akademya o pormal.

***

Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.

Comments Off on [mayroon] vs [meron]

Filed under Adarna House

Comments are closed.