Kamusta o kumusta?

Salamat sa paniniguro ng isa sa aming staff, mayroon tayong lilinawin sa araw na ito.

Alin ba ang tama?

kumusta
kamusta

Ang magkamali, hindi nagbabasa ng aming blog! Simula pa noong Agosto, ang aming laging tanong ay “Kumusta ang Filipino mo?”

Upang madalian tayong tandaan na kumusta (at hindi kamusta) ang tama, alalahanin lamang na ang salitang ito ay inangkin natin mula sa Espanyol na “Como esta?”

Entiende? Muy bien!

Sa sunod na Biyernes, sabay-sabay ulit nating itanong, “Kumusta ang Filipino mo?”

***

Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.

Advertisement

Comments Off on Kamusta o kumusta?

Filed under Adarna House

Comments are closed.