Ano ba naman ang lingguhang gawaing ito kung hindi magpapakita ang walang kamatayang pagtutunggali ng gitling, patlang, at kawalang-patlang?
O, kumusta na ang Filipino mo? (Marami-rami na kaming naisulat, dapat okey na okey na ang Filipino mo!)
Para sa linggong ito, alin ang tama:
kayganda
kay ganda
kay-ganda
Sagot: kay ganda.
Bakit? Sapagkat, ayon sa Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (Sentro ng Wikang Filipino, 2004) ang kay ay isang pang-abay.
At dahil hindi ito panlapi, hindi ito idinidikit sa salitang inaabayan nito, at lalong hindi ito nangangailangan ng gitling.
Di ba, ang dali?
Yun lang muna. Sa sunod na linggo ulit. :)
***
Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.
Pingback: [kasing bilis], [kasimbilis], o [kasing-bilis]? | The Adarna House Blog